Title: Unli life
Director: Miko Livelo
Producer: REGAL ENTERTAINMENT INC.
Writer: Ferdinand Aguas and Jan Freud Gallon
Genra: Comedy
TRT: 100 MINS
Actors: Vhong Navarro, Joey Marquez, Winwyn Marquez and Ejay Falcon
Synopsis:
Si Benedict ay isang sikat na podcast DJ. Isa rin siyang mahigpit na karelasyon sa kanyang nobyang si Victoria, na nasasakal dahil sa pagko-kontrol niya sa buhay nito. Naisip ni Benedict mag-alok ng kasal kay Victoria, ngunit imbes na umoo, nakipaghilaway si Victoria sa kanya. Durog ang puso at tuliro, napadpad siya sa isang bar na kung tawagin ay “Turning Point” kung saan makikilala niya si Mang Saro, ang bartender na nag-alok sa kanya ng alak na maaaring “makapagpabalik sa nakaraan upang itama ang kasalukuyan”. Ngunit dahil sa isang pagkakamali, napapunta si Benedict sa panahong mas malayo pa sa kanyang inaasahan. At doon din nagsimula na magpasalin-salin siya sa iba’t ibang panahon, at sa bawat panahon na kanyang mapuntahan, naroon din si Victoria. Pinilit niyang bawiin si Victoria kahit na madalas ay nagagapi siya ng mga pangyayaring hindi niya inaasahan. Dahil sa kanyang paglalakbay, matututunan niya ang isang aral na makakapagpabago ng kanyang buhay.