Title: PINAY BEAUTY
Director: Jay Abello
Producer: QUANTUM FILMS AND EPICMEDIA PRODUCTIONS INC
Writer: Allan Habon and Rod Marmol
Genra: Comedy
TRT: 99 MINS
Actors: Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman
Synopsis:
Magsisimula ang lahat sa pagkikitagpo ng Migs, (32 years old) sa isang loan shark na si Tito Val sa Pasig River para ayusin ang 180k na kaniyang inutang para tulungan ang kasintahang si Annie. Pangarap ni Annie na maging Snow White at maging prinsesa sa parada sa Hong Kong Disneyland. Ang 180k na galing kay Migs ay ginamit ni Annie bilang pambayad sa kanyang nalalapit na pagpaparetoke ng dibdib at para magpaputi at magpakinis ng balat. Ito para sa kanya ang depinisyon ng tunay na kagandahan – ang magmukhang foreigner , kumita ng dolyar at mamuhay na parang isang prinsesa kahit na ito’y trabaho lamang. Dahil wala pa siyang pambayad, sinubukan ni Migs makiusap at humingi ng palugit kay Tito Val. Pero, bago pa man siya matapos magpaliwanag, napatingin at nabighani si Tito Val sa kagandahan ni Lovely G – isang sikat na artista na nasa Pinay- beauty campaign sa kabilang parte ng ilog. Dahil sa panghanga ni Tito Val kay sa kagandahan ni Lovely G – nagbigay siya ng kondisyon: kung hindi mababayaran ni Migs and kanyang pagkakautang, kailangan niyang ipakilala si Lovely G kay Tito Val sa loob ng tatlong araw o buhay niya ang kapalit. Paano makalalapit ang isang ordinaryong tao – na walang kialala sa showbiz, sa isang sikat na artista? Kasama ng kanyang mga kabarkada, sisimulan ni Migs ang kanyang misyon na mahanap at makilala ang sikat na artista. Gagamitin nila lahat ng kanilang koneksyon – gaano man kalayo. Magnanakaw sila, manloloob, magsisinungaling at gagawin ang lahat upang maisalba ang kanyang buhay. Sa lahat ng ito, unti unti niyang natututunan ang kahalagahan ng pagmamahal sa kulay na kayumanggi at sa plakadong ilong – ang anyo ni Annie, na minahal niya simula pa sa una. Ang Pinay Beauty ay tungkol sa paghahangad ng karamihan sa mga Filipina na baguhin ang kulay ng kanilang mga balat upang magmukhang dayuhan at ang possibleng kapalit nito.