Title: BAKWIT BOYS
Director: Jason Paul Laxamana
Producer: T-REX ENTERTAINMENT PRODUCTION
Writer: Jason Paul Laxamana
Genra: Musical Romance
TRT: 107 MINS
Actors: Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago and Mackie Empuerto
Synopsis:
Nang mapinsala ng isang malakas na bagyo ang bayan nila sa Isabela, naudlot ang hangarin ng magkakapatid na Datul na magkaroon ng karera sa musika. Habang nakikitira sa malayong bukirin ng kanilang lolo sa Pampanga, ipinagpatuloy ng magkakapatid, na tinatawag na “Bakwit Boys,” na pakinabangan ang kanilang paggawa ng musika. Ang panganay na si Elias (Vance Larena) at ang bunsong si Sonny (Mackie Empuerto) ay ang mga bokalista, si Joey (Ryle Santiago) ang gitarista, at si Philip (Nikko Natividad) naman ang tagasulat ng kanta. Dahil ayaw nilang maging pabigat sa kanilang lolo, sumang-ayon silang magtanghal ng isang orihinal na kanta sa isang pista ng bayan. Makukuha nila ang atensyon ni Rose (Devon Seron), isang mayamang dalaga mula sa Maynila na mahilig sa musika. Aalukin niya ang magkakapatid na mai-record at maitugtog sa radio ang kanilang mga kanta. Susubukin ang pagkakaisa ng banda ang kanya-kanya nilang layunin at pagkakaiba habang sinusubukan nilang unawain ang kasalimuutan ng buhay.