Title: WE WILL NOT DIE TONIGHT
Director: Richard V. Somes
Producer: STRAWDOGS STUDIO PRODUCTION
Writer: Richard V. Somes and Eloisa Francia
Genra: High Octane Action-Thriller
TRT: 110 MINS
Actors: Erich Gonzales and Alex Medina
Synopsis:
Sa mundong ito, ang mga malalakas ang loob lang ang tumatagal. Ika nga nila, matira ang matibay sa laban ng buhay. Isang stuntwoman si Kray—nagbabakasakaling makapag-artista at premyadong raketera sa industriya. Sanay sa kalakaran dahil sa kaniyang amang si Dado, isang sikat na stuntman noong 80’s. Ngunit hindi pala pelikula ang buhay at tinatablan din ng sakit at problema ang mag-ama. Darating si Ramil isang gabi, ang dating kasintahan ni Kray, bitbit ang magandang balitang dumating na ang one-time-big-time na trabahong matagal na nilang inaasam. Muling mabubuo ang barkadahan nila Kray, Ramil, Jonesky, Che-che at Rene Boy. Ngunit mabibigla sila sa gulong pinasok ni Ramil at ang tangi nilang magagawa ay lumaban—kung gusto pa nilang sikatan sila ng araw.